C L O U D ;
ABOUT ENTRY LINKS TWITER FACEBOOK TUMBLR
Disobedience
Monday, June 11, 2012 • 8:31 AM • 0 comments
Mahirap magmove on.
Pero kung babasahin niyo yung previous posts ko, bago ako iwan ni Em para dun sa Ex nya, medyo parang nagkakafeeling na ako or hinala na may iba na talaga sya, na sila na ulit ng ex nya.

Grabe no, ang totoo kasi nyan (nakakahiya mang sabihin kasi hindi nakikita sa choice of words and actions ko) Christian ako. Yung mother ko, super duper as in devoted Christian sya. Pag wala syang ginagawa nagbabasa sya ng Bible. Mga ganun.

Tapos syempre dahil nanay ko sya, kinuwento ko yung kay em, na nanliligaw sya mga ganun.
Tapos ang unang sinabi ng nanay ko "hay nako anak! Bastedin mo na. ayoko ng hindi Kristyano" Edi hindi ako nakinig. Kasi ako parang "IDC. Ako naman tong nagmamahal,. hindi naman ikaw." (sabi ko sa sarli ko) so as time goes by, nagsisinungaling ako kay mommy tungkol sa mga ginagawa ko, sinabi ko sa knya na basted na si Em sakin, naniwala naman nanay ko sakin.Nagsisinungaling din ako kay Em.. hindi ko sinasabi na ayaw sakanya ni mommy. sinusugar coat ko pa. Parang sinasabi ko "Ayaw ni mommy ng hindi Christian.. Ayaw nya yung hikaw mo!" mga ganun. HAHAHA Sumabay kasi one time si Em samin pauwi. At yung tanging nakita ni mommy sa kanya na talagang umayaw na sya ay dahil dun sa hikaw nya. =)) ayun.

Tapos hanggang sa ayun nga, nag ILY na ako kay Em.after ng isang buwan nahuli ako ni mommy tapos nag hysterics sya. sabi nya

"AKALA KO BA WALA NA?! MAY PA BASTED BASTED PA NAG I LOVE YOU KA NA PALA. AYOKO SA KANYA! HINDI SYA KRISTYANO. LOLOKOHIN KA LANG NYA! KILALA KO YUNG MGA LALAKI. YANG PINAGDADAANAN MO NAPAGDAANAN KO NA. NAGAWA NA SAKIN YAN NG TATAY MO! LOLOKOHIN KA LANG NYAN! HIWALAYAN MO NA! HINDI SYA YUNG PARA SAYO!! AYOKONG MANGYARI SAYO YUNG NANGYARI SAKIN!! WAG MO NA SYA ITETEXT! KAHIT KAUSAPIN!!!!!!!! HINDI PWEDE."

ang guess what I did. Yes, di ko parin ginawa. Pinanghawakan ko yung sinabi ni Em na "babaguhin ko yung papanaw mo sa lalaki. Hindi kita lolokohin. Stick to one ako." Oo, pinanghawakan ko yan. Naniwala ako.

So habang tumatagal yung panahon maraming pinapabasa si mommy sakin na scriptures. Natatakot ako syempre kasi sobrang grabe yung mga yun. Pero hindi ako nagpapatinag. Go parin ako.

Hanggang sa one day naisip ko, "Sa mga ginagawa kong to na ayaw ni mommy, nagpromise ako sa kanya at kay God na di ko na gagawin pero ginagawa ko parin. hala. Pano pag pinagbalikan ni God si em at yung ex nya?" yun yung lagi ko nang iniisip. Na gagawa si God ng paraan para mapakita sakin na he's not the one. na i'm doing everything wrong. kasi hindi sya yung right guy. hindi sya yung gusto ni mommy.at yun yung laging pinagdadasal ni mommy at nung ka church ko.

Hanggang sa nung umuwi na si em. Yun na lagi kong iniisip. Pano pag sila na ulit? kaya hindi sya nagpaparamdam kasi sila na pala uli? Powerful si God. Gagawin nya yan, kasi hindi ko sya sinusunod. ayaw kong maniwala masyado akong nagmamadali.

pero di ako nagpapatinag sa mga hinala ko. Sabi ko sa sarili ko "Hindi naman siguro gagawin ni God yun diba?" pero may part na parin na naniniwala ako na gagawin ni God yun.

Pero ma-a-amaze ka talaga kay God. Kasi kung hindi talaga para sayo yung lalaki, gagawa at gagawa sya ng paraan para hindi  ka mag end up sa kanya. Naisip ko na kasi na sagutin si Em pag kauwi nya dito sa manila galing province. Pero look, hindi talaga sya. Friday, 5 days bago mag start yung class, at 5 days bago ko sya sagutin, eto yung nangyari.


Naisip ko tuloy, dahil hindi ako nakinig agad kay mommy, ayan I have to learn the hard way. Yung masakit na way.


Actually, nung nahuli ako ni mommy, yung night before nun sasagutin ko na dapat si Em. Kaso tignan niyo, kinabukasan nahuli ako ni Mommy na nag-i-iloveyou kay Em. HAHAHAHA. Grabe. ANg hina ko. Ang tanga ko pag dating sa love.pero ayun.


Ang pinaka lesson na natutunan ko dito ay obedience. Kung ayaw ni God, sundin mo. Kasi may mas better syang plan for you.


SORRY LORD, FOR DISOBEYING YOU. :(


PASTFUTURE
MY WORDS;
steff
061393.
Augustinian.
Future PTRP.
I blog my feelings out. I rant nothing but nonsense and it will probably bore you to death :p So, you can leave if you want. .





GIVE ME YOUR WORDS;

" Change with yours "

OTHERS;


>> dapat blog baru
date : NOW
at:10 am


>> beruk keluar tandas
date : 12/12/12
at: 12pm


>> cinderella arrived
date: 1/1/2190
at: 13.12pm

BLOG ARCHIVE;

  • Goodbye
  • Putangina. Putangina talaga. Para akong tanga. isa...
  • Bipolar feelings
  • Meh
  • MEHEHE
  • Punyetang Pag-ibig
  • so binasa ko ulit yung post ko, five minutes after...
  • onobonomonyon
  • I LOVE MY BEAT FAST AND MY BASS DOWN LOW
  • What Happened