C L O U D ;
ABOUT ENTRY LINKS TWITER FACEBOOK TUMBLR
Isang Buwang Bitter
Sunday, July 8, 2012 • 1:36 AM • 0 comments
Isang buwan na po akong bitter. HAHA.
hindi, joke lang. Napatawad ko naman na sya. Nung Friday, sinabi ko na sa kanya na hindi na ako galit. Hindi ko lang alam kung natatandaan pa nya kasi nagiinuman kami nun.

HAHA tapos may part pa nung gabi na yun na sinabi nya na sinungaling ako, pero syempre pabiro lang. Tapos ang sagot ko "Wow! sinungaling?? Sino kaya sinungaling satin??" natahimik sya nung sinabi ko yun, kaya may follow up na "JOKE LANG!" yung statement na yun. haha.

Bakit ko sya napatawad na?

ewan ko. ang dami ko din narealize. Hindi naman kasi kami.. Anong karapatan ko magalit? Wala. Ano ngayon kung makipagbalikan sya? hindi naman kami eh, so sa point of view ng ibang tao, walang lokohang nangyari kasi nga hindi naman kami.

pero syempre, para sakin meron naloko parin ako. Pinanghawakan ko din naman kasi yung promises nya. Yun lang. Na mahal nya ako at hindi nya ako iiwan. Tanga ko lang kasi naniwala ako. Kaso ganun talaga, nagmahal eh. :)

Nasabi ko na rin naman yung saloobin, galit at lahat nung nararamdaman ko sa kanya. Sinabi na rin naman nya yung saloobin nya sakin, yun nga lang.. hindi ko tanggap, kahit ngayon, yung reason nya. Sabi nya kaya sya nakipagbalikan dun sa babae nya kasi daw naawa sya. Sakin ba, hindi sya naawa? HAY. Masakit yung mga nangyari, mahirap talaga alisin yun. Lalo na't first ko to. Jusko, first tapos naloko pa. aysos!

Nung una, di na kami nagsasalita. Nakatitig lang sya sakin. hindi ko na pinapansin. Hinayaan ko lang. Sa iba ako nakatingin. Tapos nung tinignan ko na sya, sabi nya "mukhang naawa lang nga talaga ako sa kanya.." parang indirectly nyang sinabi na mahal pa nga nya ako. pero alam ko sinabi nya yun eh, pero di ko lang sure kasi nung pinaulit ko sa kanya yung sinabi nya di na nya inulit. Tapos nung medyo tumagal, tinanong ko na sya kung ano nga ba yung nafefeel nya sakin. Sinabi nya sakin na "ayayaten" (mahal) nya pa ako. pero mahal din daw nya syempre yung babae nya.

Alam niyo bang natuwa ako sa narinig ko'ng yun? hindi ko alam kung bakit. Sigure, syempre, kasi mahal ko parin sya nung nag-usap kami. ewan ko, siguro hanggang ngayon. haha, oo na. tanga na. :)) pero syempre, hindi ko na sya mahal in "that" way. Hindi naman nawawala yung love eh. Mawawala lang yun kung hindi na ako nagccare. Kung hindi ko na sya kaibigan. Pero yun yung sinabi ko sa kanya. Friends na kami.

haha. pero bayaa na. Nangyari na eh, wala nang magagawa yung galit ko. Hindi ko naman mababalik yung dati kung magagalit ako. Masstress lang ako. Mas okay na yung forgive and forget diba?

Alam niyo ba, nung una, kaya ako natuwa nung sinabi nya na mahal pa nya ako kasi may part sakin na gustong gantihan sya. na parang gusto ko gamitin yung sinabi nya na yun para gantihan sya. Alam niyo yun, naisip ko dati, "malayo naman yung girlfriend nya, mahal pa 'daw' nya ako. konting landi lang yan, bibigay na. Papaibigin ko ulit sya, tapos iiwan ko din sya sa ere." I know, ang sama ko.. pero that was before. Nababalot pa ng galit yung puso ko. Tsaka naisip ko rin naman, anong mangyayari kung gagawin ko yun? Nagpakababa lang ako. Parang ginawa ko rin yung ginawa nya sakin, parang kinain ko din yung mga sinabi ko tungkol sa kanya. Buti nalang nandyan yung mga kaibigan ko para sabihan ako. HAAY.

So ngayon, kaibigan na kami. Okay na kami. sa sobrang okay, naka ilang sabunot sya sakin nung Friday night. as in siya yung sumabunot sakin. Nahihilo kasi ako, sasabunutan daw nya ko pang wala ng amats. Loko yun eh. Tapos nung pauwi na kami, binigyan nanaman nya ako nung "titig" nya. Punyeta kasi. MAHINA AKO. :/

Haaay. Sana mawala na yung feeling na to. :(


PASTFUTURE
MY WORDS;
steff
061393.
Augustinian.
Future PTRP.
I blog my feelings out. I rant nothing but nonsense and it will probably bore you to death :p So, you can leave if you want. .





GIVE ME YOUR WORDS;

" Change with yours "

OTHERS;


>> dapat blog baru
date : NOW
at:10 am


>> beruk keluar tandas
date : 12/12/12
at: 12pm


>> cinderella arrived
date: 1/1/2190
at: 13.12pm

BLOG ARCHIVE;

  • Moving On
  • Disobedience
  • Goodbye
  • Putangina. Putangina talaga. Para akong tanga. isa...
  • Bipolar feelings
  • Meh
  • MEHEHE
  • Punyetang Pag-ibig
  • so binasa ko ulit yung post ko, five minutes after...
  • onobonomonyon